Will Ashley, bida na sa bagong light drama na 'Delivery Boi'

Handa na ba kayong ma-inspire? Sa October 19, papasok na sa ating mga screen ang Delivery Boi, ang pinakabagong light drama ng GMA Network. Dito, magbibigay-buhay ang Sparkle star at award-winning actor na si Will Ashley sa karakter ni Boi.
First lead-role project ito ni Will, kaya naman exciting abangan kung paano niya dadalhin ang role. Si Boi ay isang delivery rider na sumasalamin sa maraming Pilipino na nagsasakripisyo at kayod-kalabaw para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Hindi lang basta delivery ang gagawin ni Boi. Sa kabila ng mga daily struggles niya sa kalsada, siya ay itinuturing na isa sa mga modern heroes dahil sa serbisyo at convenience na binibigay niya sa mga customers. Dahil sa kanyang warmth at positive outlook, unti-unti rin niyang nababago ang buhay ng mga taong nakakasalamuha niya.
Pero siyempre, hindi mawawala ang drama. May mga kalaban si Boi na hindi naman niya ginusto, pero tuloy pa rin siya sa paglaban para sa kanyang mga goals. Ang pinaka-wish niya sa lahat? Ang makilala na sana ang kanyang biological father balang araw.
Todo-stars ang cast
Hindi nagtipid ang GMA sa cast dahil sasamahan si Will ng iba pang Sparkle artists na sina Mikoy Morales, Yasser Marta, Vince Maristela, at ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca.
Nandiyan din ang mga seasoned artists para mas lalong maging star-studded ang show. Kasama rito sina Keempee De Leon, Meryl Soriano, Maricar De Mesa, Gio Alvarez, at Eric Quizon. Idinagdag pa rito ang mga promising actresses na sina Angellie Sanoy, Juharra Asayo, at Baninay Bautista.
Paano mapapanood
Ang Delivery Boi ay magsisimula sa October 19 at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Network, Kapuso Stream, at GMA Play app. Para naman sa mga Global Pinoys, available ito via GMA Pinoy TV.
Sino kaya sa atin ang may paboritong delivery rider na kasing-bait ni Boi?
