Emma Tiglao, nag-paalam na as Miss Grand International 2025

Tapos na ang reign ni Emma Tiglao bilang Miss Grand International. Sa kanyang farewell speech noong October 10 sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand, binalikan ng Filipina beauty queen ang kanyang journey.
Sabi ni Emma, 13 years siyang naghintay, nagpursige, natuto, nabigo, nadapa, at bumangon bago nila nakuha ang ika-13 MGI crown. Aminado siya na dumaan siya sa maraming "almost" moments, pero lahat 'yun ay nauwi sa isang "unforgettable finally."
Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang MGI dahil nabigyan siya ng chance na dalhin sa international arena ang kanyang live selling para sa charity, na ginagawa na niya bago pa sumali sa pageant. Binanggit din niya ang saya ng pagpunta sa mga fashion weeks at ang support ng kanyang pamilya, mentors, designers, at ng mga taga-Mabalacat, Pampanga.
Inanunsyo ni Emma na ito na ang huling pageant na sasalihan niya. Tinawag niya itong kanyang "graduation in pageantry". This would be my last pageant, aniya.
Sa gitna ng kanyang tagumpay, inamin din ni Emma na nakaranas siya ng mga kritisismo kung saan siya binatikos, minaliit, at hinamak ang kakayahan. Pero para sa kanya, mas mahalaga ang mag-iwan ng legacy kaysa magustuhan ng lahat ng tao.
Nagpasalamat din siya sa mga Pilipinong ipinaglaban siya, at proud siya na na-achieve ng Pilipinas ang historic back-to-back win. Para sa susunod na Miss Grand International, pinaalalahanan niya ito na i-enjoy ang journey dahil mabigat ang korona, literally and figuratively.
