Kala mo totoo? Optical illusions at science trip sa iBilib

Balik-tanaw tayo sa viral na Blue/Black or White/Gold Dress photo dahil hihimayin sa iBilib kung bakit magkakaiba ang nakikita ng mga tao sa kontrobersyal na larawan na ito. Bahagi ito ng "RETHINK!" feature kung saan sasamahan tayo nina Chris Tiu, Charlie Fleming, at ng curious na si MikMik para tumingin sa ibang perspektibo ng mundo.
Hindi lang puro isip ang gagamitin dahil may bakbakan din sa "Shoot that Basura" challenge. Magtatapat sina Chris at Charlie sa paglalaro ng hoops, pero take note: unique game mechanics ni MikMik ang masusunod dito. Mukhang hindi basta-basta ang panalo kung may twist ang laro.
Para naman sa mga mahilig sa physics, ipapaliwanag nina Chris Tiu at Shaira Diaz ang science sa likod ng mga catapult o projectile-launching machines. Hindi lang basta launch ang gagawin, dahil maglilista rin ang dalawa ng mga pinaka-amazing na world records at record-breaking achievements sa segment na "EXTREMES!".
May mga question and answer pa na kasama sa episode. Sasagutin ni Chris kung ano nga ba ang pinakamalaki at pinakamabigat na animal sa buong planeta. At para sa final stretch, may huling hamon si MikMik para kina Chris at Shaira: ang "Elephant, Elefun Jenga", isang classic game na binigyan ng fresh spin.
Ang lahat ng ito ay mapapanood tuwing Linggo ng umaga, 9:35 a.m., sa GMA. Ready na ba kayong ma-mind blown o baka ma-stress lang tayo sa Jenga?
