MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Isa Briones, pasok sa TIME100 Next 2026!

Sama-sama tayong mag-celebrate dahil kasama si Isa Briones sa listahan ng “TIME100 Next 2026: The World’s Most Influential Rising Stars.” Pasok ang Filipino-American actress sa category ng “Artists,” at ang nakaka-touch pa rito, ang mismong co-star niya sa “The Pitt” na si Katherine LaNasa ang sumulat ng profile niya.

Sabi ni Katherine, si Isa raw ang literal na funny bone ng show at bilib siya kung paano mag-switch ang actress mula sa pagiging vulnerable, deadpan comedy, hanggang sa mga gritty moments na hindi dapat ginagalaw. Para kay Katherine, ang galing ni Isa ay pang-actor na lampas sa kanyang edad.

Pero hindi lang acting ang highlight dito. Nabanggit din ni Katherine na napakahusay kumanta ni Isa, isang pagkilala na rin sa sikat na Filipino throat chakra. Higit pa rito, hanga ang co-star niya sa dedikasyon ni Isa na magbigay ng tumpak na portrayal ng mga kababaihang Filipino sa screen, at hinahangaan daw niya si Isa dahil buo ang loob nitong maging totoo sa sarili.

Anak ng veteran theater actor na si Jon Jon Briones, bitbit ni Isa ang bandila ng Pilipinas kasama sina Kristin Villanueva at Amielynn Abellera, na gumaganap bilang mga seasoned nurses na sina Princess Dela Cruz at Perlah Alawi sa “The Pitt.”

Hindi lang si Isa ang nag-represent sa atin. Kasama rin sa listahan ang Filipina tennis ace na si Alex Eala, kung saan ang profile naman niya ay isinulat ng tennis legend na si Rafael Nadal.

Deserve na deserve ang spot, 'di ba? Sino pa kaya sa mga Pinoy talents ang susunod na mag-shishine globally?

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.