Dennis Trillo, nagpaalala ng spread love not hate sa gitna ng gulo

Nag-iwan ng komento si Dennis Trillo sa social media kung saan binanggit niya ang stepson na si Alex Jazz. Ayon sa aktor, hindi siya pabor sa bashing, pero nagpasalamat siya na naalala si Jazz dahil sa pag-bash sa anak mo. Idinagdag pa niya ang paalalang spread LVE not Hate.
Maraming netizens ang humanga sa pagiging tatay ni Dennis, lalo na sa pag-aalaga niya kay Jazz. May ilang netizens na iniugnay ang komentong ito sa naging interview ni Patrick Garcia.
Kamakailan, bumasag ng katahimikan si Patrick Garcia tungkol sa nakaraan niya sa ex-partner na si Jennylyn Mercado. Sinabi ni Patrick na na-inspire siyang magsalita dahil sa pag-encourage ng anak niyang si Michelle. Inamin niya na hanggang ngayon ay "haunting" pa rin sa kanya, sa pamilya niya, at sa anak niya ang mga salita ni Jen.
Giit ni Patrick, hindi siya masamang tao at hindi rin niya pinabayaan si Jennylyn o ang anak nila. Sa halip, claim niya na si Jennylyn ang pumutol ng komunikasyon sa kanila. Para sa kanya, unfair na masyadong maraming nag-ha-hate sa kanila kaya naisipan niyang ikwento ang sarili niyang side.
Sagot ng kampo ni Jennylyn
Sa panig naman ni Jennylyn Mercado, naglabas ng official statement ang talent agency niyang Aguila Entertainment. Sinabi nila na hindi muna magbibigay ng komento o interview ang actress bilang respeto sa privacy ng magkabilang pamilya.
Kaso, hindi nanahimik ang mga managers ni Jennylyn na sina Becky at Katrina Aguila. Sa isang post, binatikos ni Becky si Patrick at sinabing marami itong ginawang bagay na nakasakit kay Jennylyn na hindi lang kwinento ng actress dahil sa respeto sa kanya bilang tatay ng anak nila.
Diretsahan ding sinabi ni Becky na maraming kulang at dagdag ang version ng truth ni Patrick. Para sa manager, binuhay lang ni Patrick ang issue at hindi nito deserve ang pagmamahal ni Jen noong una pa lang. Sabi pa niya, hinding-hindi niya makukuha ang respeto niya.
