Vice Ganda, babalik na sa LOL: Last One Laughing PH Season 2

Handa na ulit tayong mapatid ang hininga sa katatawa dahil magbabalik na ang "LOL: Last One Laughing" para sa Season 2. Matapos ang success ng debut season nito noong 2024, si Vice Ganda ang muling magiging host ng comedy competition.
Sa pagkakataong ito, 10 Filipino comedians ang magbabakbakan para mapatawa ang isa't isa. Ang mga contestants na kailangang pigilan ang tawa ay sina Long Mejia, Epy Quizon, Candy Pangilinan, Ethel Booba, Pooh, Donna Cariaga, Chariz Solomon, Esnyr, James Caraan, at Charuth.
Sa loob ng anim na oras, gagamitin ng bawat isa ang kani-kanilang styles at strategies para itumba ang mga kalaban. Asahan natin ang mga best jokes, wildest characters, at outrageous antics para lang may mapatawa, habang pilit na nag-i-straight face ang mga comedians. Ang stakes? Isang milyon pesos ang mapupunta sa huling taong hindi tatawa.
Kung nakalimutan niyo, noong Season 1 ay naging contestants sina Victor Anastacio, Jayson Gainza, Pepe Herrera, Chad Kinis, Empoy Marquez, Kim Molina, Jerald Napoles, Negi, Tuesday Vargas, at Rufa Mae Quinto, kung saan nanalo si Chad Kinis.
Mark your calendars na dahil papasok na ang "LOL: Last One Laughing" sa Prime Video sa October 30. Sino kaya sa 10 comedians ang may pinakamalakas na fighting spirit at hindi bibigay sa tawa?
