Josh ng SB19, nag-comeback solo kasama si Jay Park

Nag-solo comeback si Josh Cullen ng SB19 sa kantang "Like Me," na collab niya sa Korean-American rapper na si Jay Park. Sila Mathew Auditor at Jay Park ang kasama ni Josh sa pagsulat ng track na siya rin mismo ang nag-produce.
Tungkol sa identity at sa balanse ng pagtanggap sa pagbabago habang nananatiling kakaiba ang tema ng kanta. Noong 27 September, nilabas na rin ni Josh ang sci-fi-inspired music video nito na ginawa niya kasama sina Iana Forbes at Louis Duran.
Bago ang release ng video, na-debut na ni Josh ang "Like Me" nang live noong 26 September sa kanyang solo showcase sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City. With this release, si Josh na ang huling miyembro ng SB19 na naglabas ng solo music ngayong taon.
Slay na slay ang move na ito, especially with the sci-fi visuals. Feeling namin, itaas na talaga ang standards sa solo projects dahil sa level ng collab na 'to. Ready na ba ang lahat sa bagong era ni Josh?
