Mga beauty queens ng 'Red Crown', nag-drop ng celebrity bets para sa international pageants

Nag-share ang mga beauty queens mula sa pelikulang “Red Crown” ng mga celebrity na sa tingin nila ay may potensyal na irepresenta ang Pilipinas sa mga major international beauty pageants. Sa media conference ng film noong Tuesday, September 29, pinangalanan ni Michelle Dee, ang Miss Universe Philippines 2023, si Shuvee Etrata bilang isa sa mga gustong makitang lumaban internationally.
Pinuri ni Michelle ang Sparkle star dahil sa kanyang stage presence, confidence, intelligence, at galing sa pag-project ng sarili. Samantala, pinili naman ni Ahtisa Manalo, ang Miss Universe 2025 third-runner-up, si Faith Da Silva. Para kay Ahtisa, bagay na beauty queen si Faith dahil sa kanyang personality, drive, fire, at kakayahang kumonekta sa mga tao.
Marami namang names sa listahan ni Ariella Arida, ang Miss Universe 2013 3rd-runner-up. Kasama rito sina Sanya Lopez, AZ Martinez, Ashley Ortega, Shuvee, at Faith. Na-appreciate ni Ariella si Sanya dahil sa humble nature nito kahit naging big star na ito matapos ang pag-join sa mga pageant noon. Sa tingin ni Ariella, potential Miss Universe contender si Sanya, habang sina AZ at Ashley naman ay bagay sa Miss International. Para naman kay Shuvee, pwedeng Miss Universe o Miss Grand International ang target dahil sa looks at personality nito.
Pinangalanan din ni MJ Lastimosa, ang Miss Universe Philippines 2014, si Sanya bilang isa sa kanyang mga picks dahil sa grit, wit, confidence, at smile nito. Gusto rin ni MJ na makita si Faith Da Silva sa national pageant stage sa susunod na taon.
Nagbigay rin ng sariling listahan si Bianca Manalo. Para sa kanya, bagay si AZ sa Miss International at si Ashley sa Miss World. Nakikita naman niya sina Faith, Shuvee, at Sanya bilang possible Miss Universe contenders, habang si Haley Dizon naman ang potential candidate para sa Miss World.
Ang “Red Crown” ay isang satirical comedy na pinagsama-sama ang mga sikat na beauty queens at actresses ng bansa. Directed ito ni Dominic Zapata at mapapanood sa mga sinehan simula October 28.
