Byeon Woo Seok, balik-Manila para sa fan meeting

Todo ang excitement ng mga Pinoy fans para sa pagbabalik ni Byeon Woo Seok sa Manila para sa kanyang fan meeting sa SM Mall of Asia Arena noong 10 October.
Siyempre, hindi papatalo ang mga Filipino "Tong Tongs" pagdating sa pag-welcome sa kanilang idol. Bago ang event, punong-puno na ang social media ng mga countdown posts, outfit ideas, at mga favorite clips ni Sun-jae. Todo rin ang paghahanda ng mga fans dahil may mga banners, fan projects, at special surprises silang inihanda para sa actor.
Let's be honest, naging household name na talaga si Byeon Woo Seok nitong nakaraang taon. Sino ba namang hindi kinilig sa kanya bilang si Ryu Sun-jae sa hit K-drama na Lovely Runner? Pati na rin ang kanyang role bilang Grande Prince I-An sa Perfect Crown ay tumatak sa madla.
Pero bago siya naging isa sa mga most sought-after leading men ngayon, dumaan muna siya sa grind. Nagsimula siya bilang model at unti-unting nakilala sa mga supporting roles sa mga dramas gaya ng Record of Youth, Moonshine, at Strong Girl Nam-soon. Pero nang lumabas ang Lovely Runner, doon na talaga sumabog ang kasikatan niya at naging isa siya sa pinakamabilis na umakyat sa stardom sa industry.
Kaya naman ang fan meeting na ito ay hindi lang basta pagkakataon na makita siya in person, kundi isang celebration para sa actor na kinagigiliwan ng marami dahil sa kanyang warmth, humor, at mga performance na tumagos sa puso ng mga viewers sa buong mundo.
Inaasahang mataas ang excitement sa gabi ng fan meeting.
