MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Kim Soo-hyun, nagbalik sa Maynila para sa Bench at sa mga Pinoy fans

gettyimages.com

“Bogo sipeoyo,” ang binitawang salita ni Kim Soo-hyun para sa kanyang mga Filipino fans, na ang ibig sabihin ay “I miss you.” Hindi lang basta pagbati ito dahil sinundan niya pa ng, I hope you missed me, too, na siguradong tumagos sa puso ng lahat ng nag-abang sa kanyang pagbabalik. Matapos ang ilang taon mula noong huling pagbisita niya noong 2022, halatang nag-uumapaw ang excitement sa reunion na ito sa pagitan ng superstar, ng brand na Bench, at ng kanyang mga fans.

Si Kim Soo-hyun ay isang Korean superstar at nagsisilbing global ambassador ng Bench. Ayon kay Bench founder Ben Chan, siya ay naging Bench model na mula pa noong 2022.

Enerhiya at kulitan sa press conference

Paglapag pa lang niya sa Manila, ramdam na ang intensity ng welcome na karaniwang ibinibigay sa mga major Korean stars—mula sa mga fans sa airport, press conference, hanggang sa fan meeting. Pero sa kaso ni Kim Soo-hyun, tila may mas personal na connection. Sa press conference, kitang-kita ang kanyang pagiging energetic, warm, at funny habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa kanyang mga sikat na role, mga paboritong midnight snacks, at ang mga Pinoy fans na muli niyang nakita.

Naging usapan ang kanyang karakter na si Do Min-joon sa My Love from the Star. Nang tanungin siya kung anong skill o hobby ang gusto niyang masterin kung mabubuhay siya nang 400 years gaya ng character niya, sinabi niyang masterin sana niya ang limang wika. Gusto raw niyang matuto ng iba't ibang wika para mas maging malalim ang komunikasyon niya sa mga tao base sa cultural context ng mga ito.

Pagdating naman sa pagkain, hindi masyadong seryoso ang kanyang paboritong late-night indulgence. Ice cream sandwiches ang sagot niya, at inamin niyang madalas siyang kumain nito kamakailan dahil sa pag-encourage ng kanyang mga kaibigan na kumain nang marami.

Ang "sparkling eyes" ng Pinoy fans

Sa tuwing tinatanong si Kim Soo-hyun tungkol sa kanyang pagdating sa Manila, laging bumabalik ang sagot niya sa mga fans. Naalala niya ang pag-welcome sa kanya ng mga fans na may sparkling eyes, na nabanggit na niya noong nakaraang taon. Ayon sa kanya, ang ekspresyong ito ay hindi nagbago at nakita pa rin niya sa pagbisitang ito. Noong hiningan siya ng tatlong salita o phrase para ilarawan ang mga Pinoy fans, ang pinili niya ay warmth, sparkling eyes, passion.

Bago matapos ang press conference, nagpakitang-gilas pa ang actor sa paggamit ng Tagalog. Nagpaalam siya sa Tagalog at sinabing magkikita sila kinabukasan sa fan meeting sa Mall of Asia Arena. Ang light and charming na moment na ito ay nagsilbing pampagana bago ang next-level na enerhiya sa mismong fan-meet.

Trust at simplicity sa fashion

Sa isang one-on-one interview, mas nakilala ang side ni Kim Soo-hyun na hindi lang basta model kundi isang tao na genuinely happy na narito. Binanggit niya na ang tagal ng partnership niya sa Bench ay dahil sa tiwala nila sa isa't isa. Ayon sa kanya, palagi siyang komportable sa pakikipag-usap sa Bench at nagpapasalamat siyang masaya ang kanilang trabaho tuwing magkasama.

Hindi rin lang basta business connection ang tingin niya kay Chairman Ben Chan. Sinabi ni Kim Soo-hyun na ang pagtrato sa kanya nang warm at ang walang sawang support ni Ben Chan ay dahilan kung bakit feeling niya ay higit pa sa brand connection ang relasyon nila, at excited siyang ituloy pa ito.

Pagdating sa fashion, simple lang ang preference niya. Mas gusto niya ang comfortable at basic styles gaya ng T-shirts, shirts, at denim na natural isuot sa araw-araw. Nabanggit niya na paborito niya ang isang denim look mula sa campaign kung saan naka-denim jacket at pants siya, na aniya ay “very cool.” Proud pa siyang ituro na ang look na ito ay nakapaskil na sa isa sa mga dambuhalang billboard ng Bench sa EDSA.

Bagong hobby at pananaw sa buhay

Bukod sa pag-aartista, nadiskubre rin na bumalik si Kim Soo-hyun sa pagkuha ng litrato. Ang photography raw ang bago niyang interest, at dahil dito, nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa mga bagay-bagay. Mas naging observant siya ngayon; sa tuwing papasok siya sa isang lugar, tinitingnan na niya kung saan nanggagaling ang liwanag at kung paano nabubuo ang mga anino.

Para sa kanya, habang tumatanda siya, mas nagiging interesado siyang pag-aralan ang space at ang kanyang surroundings dahil sa photography. Sa huli, hindi lang isang specific moment ang tumatak sa kanya sa Pilipinas, kundi ang overall energy ng mga Filipino fans na laging nagbibigay sa kanya ng positive vibes.

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.