Abi Marquez, naging guest judge sa MasterChef Asia

Sino ba namang hindi mapapa-wow kung dating nanonood ka lang, tapos biglang ikaw na ang maghuhusga sa kusina? Ganyan ang feeling ni Abi Marquez matapos mag-serve bilang guest judge sa "MasterChef Asia."
Kuwento ng food content creator sa Instagram na sobrang surreal ng experience niya. Sabi niya, I don't think I'll ever get over the fact that I got to guest judge on 'MasterChef Asia'. Aminado ang vlogger na ito ang show na kinalakihan niya at patuloy na nag-iinspire sa kanya ngayon bilang isang full-time food content creator.
Looking back, hindi rin akalain ni Abi na ang pag-eeksperimento niya sa kusina apat na taon na ang nakalipas ay magdadala sa kanya sa pangarap niyang lugar. Binanggit niya ang pag-iiba ng tinola sa xiao long bao at ng sinigang sa lumpia.
Para sa kanya, mas naging meaningful ang moment dahil nakita niya ang competition from a different perspective. Even more surreal, I got to stand on the other side as a judge, dagdag niya. Paalala raw ito na ang mga bagay na sinimulan lang natin dahil enjoy tayo ay pwedeng magdala sa atin nang mas malayo kaysa sa mga pinlano natin.
Hindi lang naman sa judging nagningning si Abi. Noong January, tinanghal siyang Creator of the Year sa 2025 ADCOLOR Awards dahil sa pagkakaroon ng mahigit 11 million followers sa pagbalot ng halos kahit ano sa lumpia habang ipinagdiriwang ang Filipino food culture.
Sunod-sunod din ang wins niya noong 2025: nakuha niya ang Most Innovative Content Creator of the Year sa Stevie Awards noong August, at nanalo rin siya bilang Best Flood Blogger sa World Influencers and Bloggers Awards 2025 sa Cannes, France.
Sa career niya, nakipag-collaborate na rin ang Lumpia Queen sa mga big names gaya nina Gordon Ramsay, David Corenswet, at Uncle Roger.
Sana all nakakapag-guest judge sa pangarap na show, 'no? Kayo, anong ulam ang gagawin ninyong lumpia version para mapansin din kayo?
