Baron Geisler at couples' retreat matapos ang cryptic post ng asawa

Dumalo sa isang couples' retreat ang aktor na si Baron Geisler at ang kanyang asawang si Jamie, na tila hakbang para patatagin ang kanilang pagsasama, matapos mag-post ng cryptic message si Jamie na nag-udyok sa netizens na magduda kung okay pa ba sila.
Sa Facebook, nag-reflect si Baron tungkol sa hirap at saya ng pag-aasawa. Sabi niya, Marriage is not always easy. There will be seasons of joy and seasons of challenges, moments of understanding and moments when we struggle to understand each other.
Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi lang basta nararamdaman kundi isang desisyon na ginagawa araw-araw. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikinig, pagpapatawad, at pagiging pasensyoso sa isa't isa. Ginamit niya ang retreat na ito bilang pagkakataon para mag-pause, mag-reconnect, at mag-heal ng mga sugat sa kanilang pagsasama.
Idinalangin din ng aktor na patuloy na palakasin ng Diyos ang kanilang marriage at turuan silang magmahalan nang may grace, humility, at understanding. Gusto raw niyang manatiling sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon habang magkasama nilang hinaharap ang lahat ng pagsubok.
Ang ugat ng gulo
Nagsimula ang speculation tungkol sa kanilang status nang mag-post si Jamie sa Threads ng isang tanong na ngayon ay deleted na. Tinanong niya kung normal o morally acceptable ba para sa isang alalay, maid, o PA ang matulog sa iisang kama kasama ang employer na married na. Tinapos pa niya ang post bilang isang “confused wife.”
Kahit na may mga ganitong posts, wala namang explicit na detalye kung ano ba talaga ang eksaktong problemang pinagdadaanan ang mag-asawa.
