Byeon Woo Seok, nag-luto ng Korean rolled omelet sa Manila fan meet

Sana all naaalagaan! Todo-bigay ang K-drama star na si Byeon Woo Seok sa kanyang one-night-only fan meet sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Hindi lang basta singing performances at interaction ang handa niya, dahil nagpakitang-gilas din siya sa pag-arte at ni-reenact ang isang scene mula sa kanyang popular na drama.
Pero ang talagang kumuha ng atensyon ay ang "The Librarian Recipe" segment kung saan live na nag-prepare si Woo Seok ng Korean rolled omelet sa stage. Nagluto siya nang live sa harap ng mga fans.
Naglaro rin siya ng Tumbang Preso, isang larong Pinoy, at binasa ang mga sweet messages mula sa mga fans. Bago matapos ang fan meet, naging emotional siya habang tinatanggap ang pagmamahal at suporta ng mga Pinoy fans.
Kailan pa ba tayo hindi mapapa-swoon sa ganyang level ng service? Nakaka-touch na talagang ramdam niya ang support natin. Sabi na nga namin, ibang klase ang charisma ng "Perfect Crown" star na ito.
Hindi ito ang unang beses na bumisita ang actor sa bansa, dahil pumunta na rin siya rito noong July 2025 para sa kanyang "Daydreamin" fan meet sa Araneta Coliseum. Kilala siya sa kanyang role bilang si Ryu Sun Jae sa "Lovely Runner" kasama si Kim Hye Yoon na gumanap na Sol.
