Nikko Natividad, na-stress sa customer na umihi sa gilid ng kanyang coffee shop

Hindi na nakatiis si Nikko Natividad at naglabas ng inis sa Instagram noong Biyernes, 16 October 2026, matapos ang isang kabastusan sa kanyang coffee shop. Ibinahagi ng aktor ang isang tagged post kung saan makikita ang harap ng kanyang pag-aari na Ca Phe Xanh sa Timog Avenue, Quezon City.
Sa larawang pinost, may isang batang lalaking nakatalikod na tila umiihi sa gilid ng shop. Ang mas malala pa, ang caption ng uploader ay Sorry @nikkonatividad Nailabas na nya, na may kasama pang laughing emoji. Let's be honest, hindi talaga nakakatawa ang ganitong klaseng prank, lalo na't pagkain at inumin ang tinitinda sa loob.
Umalma si Nikko at tinanong kung bakit pinicture-an muna ang bata bago ito pinigilan. Para sa aktor, hindi porke't nakikipagbiruan siya sa netizens ay isasantabi na ang pagrespeto sa isa't isa. Binigyang-diin niya na kung hindi man siya o ang negosyo niya ang respetuhin, dapat man lang ay isaalang-alang ang ibang customers na nasa paligid.
Nagalit din ang aktor dahil tila proud pa ang uploader sa ginawa nila at tinag pa siya. Malinaw na hindi siya galit sa bata, kundi sa mga taong nag-post at nag-tag sa kanya habang ginagawang katatawanan ang sitwasyon. Paalala rin niya na kung may magreklamo ng mapanghe, sa kanya at sa kanilang negosyo ang balik at hindi sa mga nag-post.
Sa sumunod na update ni Nikko, lalong uminit ang ulo niya dahil ang uploader pa raw ang may ganang magalit. Sa halip na humingi ng dispensa o mag-sorry, minessage daw siya nito at pinabuburahin ang post, at hindi siya makapag-reply dahil naka-private na ito.
Sinupalpal naman ng mga netizens ang customer at tinawag itong "squammy", dahil binastos daw ang negosyong pagkain at inumin ang inaalok. Imagine, imbis na mag-sorry, mag-uutos ka pa sa owner na burahin ang ebidensya ng kabastusan niyo?
Sana all may modo pagpasok ng coffee shop, 'no?
