Catriona Gray, special guest sa Victoria Secret fashion show sa LA

Slay na naman ang ating queen! Confirmed na sasali si Catriona Gray bilang special guest at representative ng Pilipinas sa Victoria Secret fashion show sa Los Angeles, California.
Sa Instagram, nag-post si Catriona ng mga old photos niya na naka-platinum blond wig, baby pink leotards, at may malaking white angel wings. Ang caption niya? Wings up, we’re inbound. Abangan natin kung magagawa ba niya ang signature lava walk sa runway ng sikat na lingerie line sa October 19.
Hindi lang si Catriona ang Pinay na may koneksyon sa brand. Nauna na rito si Filipino-American supermodel Kelsey Merritt bilang first Filipino na nag-walk sa Victoria Secret runway. Plus, may performance din ang K-pop girl group na Katseye, kung saan member ang Filipina na si Sophia Laforteza.
Sana talaga ay mag-lava walk siya kasi deserve natin ang full entertainment package sa LA!
