Elha Nympha, biglang umalis sa 'Inday: the Musical' dahil sa breach of contract

Naglabas ng statement si Elha Nympha matapos siyang mag-withdraw sa "Inday: the Musical" isang araw bago ang opening nito. Ayon sa kanyang lawyer na si Carl Maria Vladimir Valera, nagpasya ang singer na umalis dahil sa material breaches of contract ng mga organizers kaya hindi na siya makapagpatuloy sa play.
Kahit committed daw si Elha sa kanyang role, may mga pangyayaring pumilit sa kanya na gawin ang hakbang na ito. Hindi rin sila makapagbigay ng dagdag na detalye dahil sa kasalukuyang legal na konsiderasyon.
Sa panig naman ng Studio A Productions, inanunsyo nila noong Huwebes ang pag-alis ni Elha. Sabi nila, nirerespeto nila ang desisyon ng singer at kasalukuyan nang gumagawa ng adjustments ang creative team para maituloy ang show. Nanatili silang committed na i-open ang play sa mga nakaplano nang petsa.
Nagpasalamat din ang production sa kanilang mga sponsors, partners, at audience para sa pasensya at suporta. Binigyang-diin nila na tuloy pa rin ang pag-akyat ni Inday sa stage.
Ang "Inday" ay isang musical experience tungkol sa pag-ibig, pamilya, at alaala na nagtatampok ng mga kanta ng Boyfriends. Nakatakda ang six-show run nito sa loob ng dalawang weekends simula 16 October 2026.
Grabe, imagine isang araw na lang opening tapos may ganitong nangyari. Sana maayos nila 'to nang mabilis kasi sayang naman ang hype.
