Michael V., ang ultimate team player sa Bubble Gang

Sino ba naman ang hindi hahanga sa 31 years na consistency ni Michael V., o Bitoy, sa Bubble Gang? Hindi lang pala siya ang nagdadala ng tawa, kundi siya rin ang dahilan kung bakit sobrang solid ng collaboration ng cast sa pinakamatagal na gag show sa Pilipinas.
Kuwento ng dating Bubble Gang star na si Gwen Zamora, sobrang daling katrabaho ni Bitoy. Dahil dito, mas nailabas daw ng mga actors ang best version nila sa trabaho. Sabi ni Gwen, You feel more like connected to the set, the scene because you have your own put and own say.
Hindi raw basta-basta binabasa ang script. Para kay Gwen, nakaka-touch na nakikipag-upo si Sir Bitoy para i-review nang maayos ang lines at tinatanong pa kung gusto nilang palitan ito o kung okay na ba sila sa flow. Dahil sa dami ng sinusulat ng mga writers, may mga details na nakakaligtaan, kaya dito na pumapasok ang fine-tuning nila nang sama-sama.
Resulta? Pag-akyat sa set, alam na ng mga actors kung ano talaga ang role nila. Ibang level ng teamwork ang hatid ng comedy genius na ito para masiguradong pulido ang bawat sketch.
Para sa mga nag-aabang, may special anniversary episodes ang show na tinatawag na "Trendta'y Uno." Mapapanood ito bukas, October 18, at sa October 25.
Sana lahat ng boss sa work, kasing-open ni Bitoy sa suggestions, 'no?
