Mika Salamanca, kinabahan sa pag-arte kasama si Will Ashley

Umamin si Mika Salamanca na nakaramdam siya ng pressure noong una niyang nakatrabaho si Will Ashley para sa kanilang project na “Delivery Boi.”
Sa media conference ng GMA Prime Afternoon series noong Biyernes, October 9, sinabi ng Sparkle star na na-intimidate siya kay Will dahil nanalo ito ng Urian Award for Best Supporting Actor. Ayon kay Mika, naramdaman niya ang pressure dahil napakahusay na aktor si Will, lalo na’t bago pa lamang siya sa industriya.
Kahit ganun, sinabi naman ni Mika na very easy to work with si Will. Nakatulong daw ito para maging comfortable siya sa set, lalo na kapag magkasama na silang nag-fi-film ng mga scenes. Aniya, hindi na niya nararamdaman ang pressure kapag kaharap na niya si Will sa camera dahil ginagabayan at sinusuportahan siya nito.
Ang “Delivery Boi” ay magsisimula sa October 19, 3:20 p.m. sa GMA Network. Iikot ang kwento kay Boy, na gaganap si Will, isang dyslexic delivery rider na nagsisikap abutin ang kanyang mga pangarap. Kasama rin sa cast ng series sina Vince Maristela, Yasser Mata, Merryl Soriano, at Eric Quizon.
