Byeon Woo-seok, babalik na sa Manila ngayong October!

Maghanda na sa pag-kilig dahil babalik si Byeon Woo-seok sa Manila ngayong October para sa isang fan meet na hatid ng Pulp Live World.
Let's be honest, medyo masakit sa bulsa ang presyo, pero for the love of our favorite oppa, go lang! Ang tickets ay naglalaro mula PhP4,000 para sa Box Regular, PhP7,000 sa Box Premium, PhP10,000 para sa VIP B, PhP11,000 sa VIP A, PhP12,000 sa SVIP 2, hanggang PhP13,000 para sa SVIP 1. Mabibili ang mga ito sa SM Tickets outlets nationwide at online.
All seated ang tickets at may kasama pang fan benefits, kaya siguradong sulit ang pag-aabang ng mga Filipino Tongtong. Kung hindi mo pa napanood, sikat na sikat si Byeon Woo-seok dahil sa role niya sa Lovely Runner na ipinalabas sa GMA at sa Perfect Crown kung saan ginampanan niya si Grand Prince I-an.
Kaya i-ready na ang outfit at ang energy para sa reunion na ito. Kayo, anong ticket tier ang target niyo, o pang-Box Regular na lang muna para may pambili pa ng merch?
