Sylvia Sanchez at Nour Hooshmand, rumampa sa Busan International Film Festival

Slay na slay ang ating representatives! Rumampa sina Sylvia Sanchez at Nour Hooshmand sa red carpet ng 31st Busan International Film Festival o BIFF sa South Korea para sa kanilang pelikulang “Ria.”
Ibinahagi ng Nathan Studios sa social media ang larawan ng dalawa na kuha sa naturang festival. Ang pelikulang “Ria,” na idinirek ng Filipino filmmaker na si Arvin Belarmino, ay nagkaroon ng world premiere sa BIFF sa ilalim ng Vision Asia section.
Kasalukuyang nagaganap ang 31st Busan International Film Festival na binuksan noong October 6 at magsasara sa October 15. Talagang bongga ang line-up dahil tampok dito ang 316 na pelikula mula sa 59 na bansa, kung saan 247 ang official selections at 69 naman ang Community BIFF titles.
Keri na ba ang world premiere look nila o may suggestions kayo para sa susunod na red carpet?
