Kris Lawrence at Katrina Halili, may 'new chapter' na

Nag-post si Kris Lawrence, ang singer na kilala bilang Prince of R&B, ng isang selfie kasama ang actress na si Katrina Halili sa Facebook na may background na grassy field. Nilagyan niya ito ng caption na “New chapter.”
Kuwento ni Kris, unti-unti lang daw ang kanilang pag-usad at ine-enjoy lang nila kung saan sila dadalhin ng kanilang journey. Sabi pa niya, All I know is I'm happy, at hirit pa niya, KAMI NA bahala where this new chapter takes us.
Bago ito, bumisita muna si Kris kay Katrina sa set ng Kapuso Afternoon Prime series na \u201cKamao.\u201d Para sa mga hindi nakakaalam, naging magkasintahan ang dalawa nang limang taon bago naghiwalay noong 2014, at nagkaroon sila ng anak na si Katie noong 2012.
Nagkaayos ang dalawa kamakailan at nagsimulang manligaw uli si Kris kay Katrina noong June. Sa totoo lang, nakakakilig naman itong plot twist na 'to after so many years, 'di ba?
Sana all may second chance!
