MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Fast & Furious, magkakaroon na ng sariling TV series

Gines-greenlight na ng streaming platform na Peacock ang unang Fast & Furious TV series. Ang live-action spinoff na ito ay isusulat at pamumunuan nina Mike Daniels at Wolfe Coleman bilang coshowrunners.

Siyempre, hindi mawawala si Vin Diesel bilang executive producer kasama sina Neal H. Moritz at Chris Morgan. Ayon kay Diesel, ang pagpasok sa telebisyon ay paraan para mas mapalalim ang kwento ng mga legacy characters habang bitbit pa rin ang tema ng pamilya at international appeal na tatak na ng franchise.

Sa ngayon, wala pang official title ang series pero target itong i-premiere sa Peacock sa 2028. Sakto ito sa taon kung kailan nakaplano ring matapos ang movie franchise sa 11th at huling installment na Fast Forever, na lalabas sa 17 March 2028.

Hindi lang ito iisang show dahil nabanggit ni Diesel sa NBCUniversal Upfront presentation sa New York noong Mayo na may tatlo pang series na kasalukuyang dine-develop. Sabi niya, matagal na ring hiling ng mga fans na mapalawak ang kwento ng mga characters at pumasok ang franchise sa TV space.

Saktong timing din ito dahil 25th anniversary na ng Fast & Furious. Nagsimula ang lahat sa The Fast and the Furious noong 2001 kung saan bida sina Vin Diesel, Paul Walker, Jordana Brewster, at Michelle Rodriguez. Mula sa pagiging street-racing drama, naging globe-spanning action franchise na ito na kumita na ng higit $7 billion worldwide.

Sa pagdaan ng panahon, nadagdag sa cast sina Dwayne Johnson, Jason Statham, Tyrese Gibson, Ludacris, at Sung Kang, at nagkaroon din ng spinoff na Hobbs & Shaw noong 2019.

Sana lang hindi na kailangang pumunta sa outer space ang mga sasakyan sa TV series, 'di ba?

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.