Heart Evangelista, magpapahinga muna sa 'The People Have Spoken'

Magpapahinga muna ang game show na The People Have Spoken ngayong October. Aminado si Heart Evangelista na mamimiss niya ang pag-shoot para sa programa, pero kailangan talaga ang season break na ito.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Heart na kailangan ang pause dahil marami rin silang kailangang asikasuhin at i-juggle na mga bagay. We are going on a break but I feel like it's also needed. Para sa lahat din sa amin kasi marami rin kami kailangang gawin, paliwanag niya. Sobrang thankful naman daw siya sa lahat ng nanood dahil left with a bang ang show bago ang break.
Pero don't worry, hindi ito goodbye. Nangako ang Sparkle prime artist na mas magiging bigger at interesting ang mga topics pagbalik nila.
Habang naka-break ang show, mukhang busy rin si Heart sa ibang projects. Noong September, inanunsyo niya at ng former loveteam partner na si John Prats na magsasama silang muli sa isang movie na lalabas sa February 2027. Si John mismo ang magdidirekta at aakto sa film.
Kasama rin sa team ang executive producer na si Jeffrey Vadillo ng Cornerstone Studios, creative producer na si Irene Villamor, at ang writer na si Angel Tomas. Tungkol naman sa role niya, sabi ni Heart na ito na raw ang "more myself" na version niya. Kahit mahilig siyang mag-dress up, hindi raw tungkol doon ang pelikula kundi tungkol sa kanilang mga puso. Ibang-iba raw ito sa mga nakasanayan niyang gawin.
Sana lang ay hindi masyadong matagal ang break ng game show, kasi sino ba namang hindi gustong manood ng mga interesting topics with Heart?
