Bubble Gang, mag-31 na! Abangan ang explosive anniversary special

Handa na ang Bubble Gang para sa kanilang 31st anniversary special na siguradong magbibigay ng maraming tawa sa mga Kapuso viewers. Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Biyernes, October 9, pinasilip ni Kokoy de Santos ang mga dapat abangan sa two-part special na mapapanood sa October 18 at 25.
Sabi ni Kokoy, "Trendtay-uno" ang tema dahil babalikan nila ang mga bagay na nag-trend ngayong taon, pero siyempre, may sariling twist ang Bubble Gang dito. Hindi raw sapat ang isang episode lang kaya ginawang two-part special ang selebrasyon. Dagdag pa niya, "explosive" ang guest lineup dahil may darating na international guest at may dating cast member na magbabalik sa show.
Mula tawa hanggang luha
Pero hindi lang puro komedya ang gagawin ni Kokoy dahil papasok din siya sa drama scene. Bibida siya sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Pasang Kapatid Ko" na mapapanood ngayong Sabado. Kasama niya rito si Jay Ortega na gaganap naman bilang kanyang nakababatang kapatid.
Sa kuwentong ito, ang karakter ni Kokoy ang panganay na sumusuporta sa buong pamilya, habang may mga kapamilya naman na pabigat. Ayon kay Jay, isang tear-jerker ang episode at maraming matututunan dito. Para naman daw ito sa mga kaibigan at lahat ng viewers na breadwinners, ayon kay Kokoy.
Kung gusto niyo lang ng pure laughter, ang Bubble Gang ay mapapanood tuwing Linggo, 6:00 PM sa GMA Network. Sino kaya itong international guest at dating cast member na babalik? Kayo, anong trend ngayong taon ang bet ninyong gawan ng spoof ng Bubble Gang?
