MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

Skusta Clee at Flow G, win big sa 2026 Filipino Music Awards

Wagi ang kanta na 'Since Day One' nina Skusta Clee at Flow G sa Filipino Music Awards 2026. Hindi lang basta isa ang nakuha nila, dahil hinakot nila ang Song of the Year sa Grand Awards at Hip-Hop Song of the Year sa Genre Awards.

Tinalo nila ang mga nominees sa Song of the Year category gaya ng 'Lifetime (Reimagined)' ng Ben&Ben, 'Kabisado' ng IV OF SPADES, 'Tahanan' nina El Manu at Jessy Kang, at 'Palayo Sa Mundo' nina Arthur Nery at Jolianne.

Sa Hip-Hop category naman, nanaig sila laban sa 'Moolah' nina SCOOP DOGG at Daarth, 'Palaisipan' nina Loonie at Arthur Nery, 'Summer Crush' ng HELLMERRY, at 'Origimal' ni Uncle Dags featuring RJD.

Ang Filipino Music Awards o FMA ang taunang celebration ng artistic at technical excellence para sa Original Pilipino Music (OPM). Para sa 2026 edition, ang AGC Power Holdings Corp. ang nag-present at nag-produce ng awards in cooperation with One MEGA Group Inc., MEGA Global Group Inc., Modern Media Group Inc., at DigistarPH Inc.

Sino sa tingin niyo ang dapat talaga nanalo sa Song of the Year?

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.