MAD PhilippinesMusika, showbiz at pop culture
Entertainment

S2 na agad? Lanterns, may mga writers na raw na nag-iideate para sa susunod na season

via Instagram @damonlindelof

May mga writers na raw na kasalukuyang nag-iisip ng mga idea para sa Season 2 ng Lanterns. Ito ayon kay Damon Lindelof, ang co-creator ng series na nakilala rin sa paggawa ng Watchmen, The Leftovers, at Lost.

Kahit na may ideation na, mukhang hindi na raw magiging involved sina Lindelof at Tom King sa posibleng second season. Aminado si Lindelof na wala siyang alam tungkol sa creative direction ng susunod na part at ayaw niyang limitahan ang mga writers sa kung anong storytelling mechanisms ang gusto nilang gamitin.

Kwentong comics naman, alam ni Lindelof na ilang beses na namatay si Hal Jordan sa canon—mga tatlo o apat na beses raw.

Pagdating naman sa Season 1, sinabi ni Lindelof na alam ng buong writers' room na magiging "emotionally devastating," disappointing, o frustrating ang own ending nila. Pero ayon sa kanya, ang pinaka-maling pwedeng gawin ay ang magpakita ng pilot kung saan definitively dead na si Hal Jordan para lang i-walk back ito kalaunan at sabihing clone lang pala ito o "mostly dead."

Ayon sa ulat, nag-average ang series ng around 19 million viewers per episode. Sa totoo lang, sayang naman kung mawawala si Kyle Chandler sa series dahil malaking part siya ng appeal nito. Pero kung hindi man siya babalik, baka oras na para mag-team up sina John Stewart at Guy Gardner, o kaya ay magpakilala ng bagong Green Lantern na makakasama si Aaron Pierre.

Sana lang ay hindi mag-drag ang HBO Max sa pag-greenlight ng season 2. Let's be real, anong show pa ba ang mas deserving ng greenlight kaysa sa serye tungkol sa mga taong ang power ay green light? Sobrang obvious na ng sign, HBO!

May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.