Ashtine Olviga at David Licauco, magka-loveteam na sa 'Fight for My Way' PH version

May bagong love team na dapat abangan ang mga Kapuso dahil magsasama na sa isang serye sina Ashtine Olviga at David Licauco. Kabilang ang singer at actress na si Ashtine sa Philippine adaptation ng hit South Korean series na 'Fight for My Way.'
Sa kwentong ito, gaganap si Ashtine bilang si Aira, ang Pinoy version ni Choi Ae-ra. Trabahador siya sa isang department store pero pangarap niyang maging television announcer. Aminin natin, mahirap talaga ang journey patungo sa pangarap, kaya sana ay mapanood natin ang growth ni Aira sa show.
Siyempre, hindi mawawala ang kilig dahil magiging love interest niya ang character ni David na si Hanz. Dating taekwondo athlete si Hanz na lumipat sa mixed martial arts. Base ang role na ito sa karakter ni Park Seo-joon sa original series, habang si Kim Ji-won naman ang gumanap bilang Choi Ae-ra noon.
Kasama rin sa cast ang mga aktor na sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan. Pero ang highlight talaga para sa amin ay ang first on-screen team-up nina Ashtine at David. Sapat na bang chemistry ang dala nila para tapatan ang original K-drama version?
Kayo, feeling niyo ba ay mag-work ang tandem na ito?
