Alex Eala, rumarampa na sa Paris Fashion Week para sa Chanel

Hindi na lang basta fan, kundi guest na officially si Alex Eala sa Chanel Spring/Summer 2027 show nitong Tuesday, October 6. Kasama ang kanyang mom na si Rizza Maniego-Eala, napanood ng Filipina tennis ace ang latest collection na inilabas ng artistic director na si Matthieu Blazy.
Pagdating sa look, hindi nagpatalo si Alex. Suot niya ang isang gray tweed shirt na may gold logo buttons at relaxed-fit dark pants. Aminado naman ang athlete sa interview niya sa Vogue Philippines na I'm a Chanel girl through and through.
Actually, matagal na ang love affair ni Alex sa brand. Noong 2022, noong naging first Filipina siya na nanalo ng US Open Juniors singles title, Chanel earrings agad ang pinili niyang isuot sa kanyang press conference.
Ngayon, unti-unti na ring pumapasok si Alex sa fashion world. Noong September, nag-debut siya sa New York Fashion Week kung saan pumunta siya sa Tory Burch show at sa Calvin Klein event—na itinampok si Alex sa kanilang Instagram account. Nagpunta rin siya sa Michael Kors presentation at nakipag-meet doon sa kapwa Filipina na si Kelsey Merritt.
Pero siyempre, hindi nakakalimutan ang tennis. Maghe-headline si Alex sa event na "Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate" sa December 8 sa Philippine Arena, kung saan makakaharap niya si Janice Tjen ng Indonesia para sa isang exhibition match.
Keri na ba natin mag-apply bilang fashion assistant niya?
