Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, at Ruru Madrid, extend stay sa GMA at Sparkle

Hindi muna magpapa-alam ang tatlong leading men ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center. Kumpirmadong nag-renew ng contracts sina Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, at Ruru Madrid para ituloy ang kanilang mga career sa network.
Present sa contract signings sina Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, Cheryl Ching-Sy, at Vic Del Rosario. Para kay Miguel, saktong renewal ito habang sine-celebrate niya ang 20 years sa industriya. Mula sa pagiging batang Pagaspas sa “Starstruck Kids,” he's now our “Primetime Prince.”
Si Rayver Cruz naman ay actor, host, at dancer na patuloy na tatanggap ng bagong oportunidad at hamon sa harap ng camera at sa entablado.
Kasama rin sa listahan si Ruru Madrid, ang “The Primetime Action Hero,” na patuloy na magpapakitang-gilas sa iba't ibang genres.
