Kim Chiu, nag-dance challenge gamit ang fake baby bump?

Nag-ingay na naman ang mga netizens matapos mag-post si Kim Chiu sa Facebook ng isang video kung saan sumasayaw siya habang nakasuot ng panlalaking outfit. Pero ang talagang kumuha ng atensyon ng lahat ay 'yung fake rounded belly niya sa video.
Mabilis na nag-react ang mga fans. May mga nagsabing nakikipaglaro lang si Kim sa mga pregnancy speculation tungkol sa kanya. May mga netizens naman na naniniwalang old clip lang ito na ni-repost niya para sagutin ang mga chika, gaya ng comment ng isang fan na nagsabing Nilaro lang tayo ni Kim hahahha at isa pang nagsabing Tagal n nyan, nakita ko na 'yan nililinlang nya tau hahahaha.
Nagsimula kasi ang hinala ng mga netizens nang mapansin nila ang tila lumalaking tiyan ni Kim sa ilang mga photos at videos niya. Nadagdagan pa ang speculation dahil napuna rin ng mga fans na mas madalas na siyang magsuot ng mga damit na hindi masyadong nagpapakita ng balat kumpara noon.
May mga kumakalat ding tsismis na baka buntis si Kim sa kaniyang love team partner na si Paulo Avelino. Sa ngayon, tuloy lang ang pagpapakalat ng good vibes ni Kim sa It's Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa GMA at Kapuso Stream.
