Janice de Belen, pumasok na sa mundo ng Sigabo

Nagulat ang mga viewers ng Episode 81 ng Sigabo noong 12 October nang biglang sumulpot si Janice de Belen. Gaganap ang veteran actress bilang Secretary Carlotta Vergara, ang nagsisilbing liaison sa pagitan ng presidente at ng covert vigilante group na Anino.
Sa unang scene pa lang, ramdam na ang tension dahil nakipag-argue na agad si Carlotta kay "Paps" (Joonee Gamboa) habang tinitingnan ang profile ni Gabo (Coco Martin). Kinuwestiyon niya kung bakit kailangang mag-recruit ng criminal para sa kanilang mission, pero dinepensahan ni Paps si Gabo. Ayon kay Paps, hindi lahat ng dating bilanggo ay masama dahil ang iba ay biktima lang ng pagkakataon, at si Gabo ang may tamang talino, lakas, at puso na kailangan ng Anino.
Kuwento ni Janice, pangarap na talaga niyang makatrabaho si Coco Martin. Madalas na raw silang mag-usap tungkol sa collaboration tuwing nagkikita sa mga industry parties at showbiz events. Sobrang fan din ng show ang pamilya niya—sa katunayan, hindi raw kumpleto ang dinner nila kung hindi sila manonood ng Sigabo pagkatapos ng TV Patrol. Pati ang cook nila sa bahay, wish raw na sana ay mapabilang si Janice sa serye, at heto na nga, natupad na.
New version ni Janice
Kung sanay tayo kay Janice sa mga role na iyakin at punong-puno ng emosyon, prepare for a plot twist. Teaser ng actress na ibang bersyon niya ang makikita rito. Bilang Carlotta, iiwan niya ang mga tear-jerking characters para maging stern at fiercely strong.
Sabi ni Janice, It’s different kasi makikita n’yo kakaibang Janice. Hindi emotional, hindi ‘yong iyakin. Kasi kapag pumasok ka rito, tapos binigyan ka ng character, ang daming pwedeng mangyari eh.
Excited din ang actress sa dynamics ng storya dahil hindi raw sigurado kung magiging kakampi ba sila sa huli o hindi.
In truth, magkakampi pala kayo or pwede namang magkakampi kayo tapos maya-mayang konti ay hindi pala talaga kami magkakampi. It’s exciting,\ dagdag pa niya.
Sana lang talaga ay hindi siya iyak-iyak sa dulo, kasi gusto nating makita ang palaban na Secretary Carlotta!
