Regine, Lani, at mga Kapamilya heartthrobs, nagpasiklab sa ASAP XP

Sino ba naman ang hindi mapapanganga kung magsasama-sama ang mga OPM icon divas na sina Regine Velasquez at Lani Misalucha sa iisang show? Kasama ang mga Kapamilya heartthrobs, talagang niyanig nila ang ASAP XP broadcast noong October 11.
Hindi lang boses ang nag-colide kundi pati ang visuals dahil nagpakitang-gilas din sina Seth Fedelin, BGYO Gelo, Brent Manalo, Ralph De Leon, River Joseph, JM Ibarra, at Jarren Garcia. Pero ang talagang nakaka-spellbound? 'Yung jaw-dropping performance nina Regine, Lani, at Jona na dedicated para sa kanilang fans. Aminin natin, ibang level talaga kapag tatlong powerhouse ang nag- collab.
New Gen at Legend Showdown
Hindi rin nagpahuli ang new-gen powerhouse talents na sina Darren, AC Bonifacio, Carmelle Collado, at Klarisse De Guzman sa kanilang exceptional performance skills. Para naman sa mga mahilig sa vocal battle, nagkaroon ng showdown ang mga premier champions. Naghati ng stage sina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Jona kasama sina Klarisse, Jason Dy, Melissa Dueñas, Claudia Louisse Eliver, Emmanuel Pescador, Hannah Grace Espadon, at Rolly Beloria. Grabe, parang hindi na kailangan ng ticket sa concert sa dami ng talent!
Siyempre, hindi mawawala ang nostalgia trip dahil nag-perform si Ogie Alcasid ng medley ng kanyang signature hits. Hindi rin ito naging solo flight dahil sumabay sa pagkanta sina Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures, at Marko Rudio.
Kilig Overload
Para sa mga mahilig sa love teams, may dedicated segment kung saan namayagpag ang chemistry nina Francine Diaz at Seth, pati na ang JM Ibarra at Fyang Smith. Kasama rin sa lineup ng mga romantic numbers sina Kai Montinola at Jarren, Kolette at BGYO Nate, at ang duo nina Alexa Ilacad at Gelo.
Kung nami-miss niyo ang ganitong energy, mapapanood ang ASAP XP tuwing Linggo, 6 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), iWant, at TFC. May delayed telecast din sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.
