Gazini Ganados, nag-rampa sa Paris Fashion Week

Rumampa si Gazini Ganados sa Paris Fashion Week. Suot ang isang pink at figure-hugging gown na punong-puno ng beads at gems, rampa ang Sparkle artist para sa show ng Grace Steadfast.
Siyempre, hindi kumpleto ang trip kung walang aesthetic photos. Nag-pose rin si Gazini sa isang balcony sa Paris kung saan kitang-kita ang iconic na Eiffel Tower sa background.
Fresh lang din sa memorya ang kanyang pageant journey dahil nitong Mayo, pumasok siya sa Top 5 ng inaugural Miss Grand International All Stars sa Bangkok, Thailand. Para sa kanya, ang stint na ito ay nagsilbing "redemption" at "calling."
Let's be honest, kahit saan talaga siya itapon, effortless ang pagka-model. Kayo, bet niyo ba ang pink look niya?
May impormasyon mula sa mga pampublikong mapagkukunan, Wikipedia, YouTube, Instagram at TikTok.
