Analyn Barro, nagpa-daring sa bago niyang birthday shoot

Nag-share ang Kapuso actress ng set ng photos kung saan nakaluhod siya sa isang loveseat at baggy jeans lang ang suot, habang ginagamit ang kanyang mga braso para takpan ang chest area.
Kasama sa caption ng post ang words na every single night, I pray that… . Ang mga portraits na ito ay bahagi ng kanyang birthday shoot na kinuha noong August para i-celebrate ang kanyang espesyal na araw.
Hindi lang iyon ang daring look niya dahil may isa pang set ng photos kung saan denim jacket naman ang suot niya pero wala ring anything underneath. Leo's very own, ang caption niya rito. Nag-share din siya ng isa pang set na wala nang jacket at naka-cover lang ang chest area, at sinabing, just let me have my Leo moment a little longer.
Kuhang-kuha ni photographer Dennis Sulit ang vibe ng shoot na ito. Para sa styling, RUSHXREI Styling Studio ang humawak, habang si Rocel Talosig naman ang gumawa ng makeup at si Lui Reyes ang nag-ayos ng kanyang hair.
Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa ganitong level ng confidence? Bagay na bagay sa kanya ang denim-on-denim look, pero yung pagiging daring nito ang talagang highlight. Deserve na deserve ni Analyn ang kanyang Leo moment!
