Epy Quizon, bilib sa galing ni Atasha Muhlach sa ‘Bongga Ka Day!’

Sana all may ganitong review! Todo-puri ang actor na si Epy Quizon kay Atasha Muhlach matapos niyang mapanood ang actress sa Bongga Ka Day!: The Annie Batungbakal Musical. Sa isang Instagram post, sinabi ni Epy na "wonderful job" ang ginawa ni Atasha.
Hindi raw siya makapaniwala na first role pa lang ito ni Atasha na ganito kalaki. Ayon kay Epy, dinala ni Atasha ang role ni Annie Batungbakal nang may confidence at grace. Binanggit din niya na hindi madaling mag-command sa Newport Performing Arts Theater, pero held her own beautifully ang actress.
Sa huli, pinag-congratulate ni Epy si Atasha at sinabing dapat itong maging proud sa sarili, gaya ng pagiging proud ng mga magulang nito. Nag-reply naman si Charlene Gonzalez para pasalamatan si Epy sa kanyang kind words at sa panonood ng musical.
Drama sa audition
Siyempre, hindi natin malilimutan na naging mainit ang usapan online noong unang i-announce na bida si Atasha sa musical. May isang auditionee kasi na nagsabing hindi raw niya nakita si Atasha sa 2-day audition sessions.
Dahil dito, nabato ang accusations na ginamit lang daw ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ang kanyang power at influence para makuha ang role. Pero siyempre, hindi pumayag ang fans, pamilya, at co-stars ni Atasha na hayaan lang ito.
Nauna na ring nag-predict ang actor-director na si John Lapus na siguradong "eat their words" ang mga bashers kapag nakita na nila ang performance ni Atasha.
Sabi na nga namin, 'di ba? Huwag agad mag-judge hangga't walang curtain call!
