BINI, SB19, at marami pang iba, nagwagi sa Filipino Music Awards 2026

Hindi nagpahuli ang mga paborito nating artists dahil naging big winners sina BINI, SB19, Skusta Clee, at Flow G sa Filipino Music Awards 2026. Ginanap ang bonggang celebration na ito noong October 6 sa SM Mall of Asia Arena.
Siyempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang magagaling na hosts, kaya naman sina Billy Crawford, KC Montero, at Joey Mead King ang nagdala ng energy sa event. Bukod sa pag-uwi ng mga major awards ng mga winners, napa-wow din ang lahat sa mga exciting performances na ipinamalas sa stage.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Filipino Music Awards ay hatid ng Modern Media Group Inc. para bigyang-pugay ang pinakamagagaling sa musikang Pilipino, kung saan ang mga nanalo ay pinipili base sa jury selection, commercial performance data, at public voting.
Deserve na deserve nila ang spotlight, 'di ba?
