Taylor Swift, may may bagong album na naman!

Akala ng iba ay babagal ang career ni Taylor Swift matapos siyang magpakasal kay Travis Kelce, pero mukhang mali sila. Habang sinusuportahan niya ang tight end ng Kansas City Chiefs sa mga laro nito, may ginagawa na raw ang singer sa likod ng mga eksena.
Kaka-release lang ng apat na bagong kanta noong nakaraang buwan, kabilang ang isang track tungkol sa romance nila ni Kelce, pero hindi raw doon nagtatapos ang lahat. May report na nagtatrabaho na si Taylor sa an entirely new album habang ginagawa pa niya ang The Life of a Showgirl: The Encore na lumabas din noong nakaraang buwan.
Kuwento ng isang insider, nakapag-shoot na rin ang singer ng videos para sa dalawang bagong kanta. Hindi rin raw ito hihinto sa recording lang dahil may plano raw siyang mag-tour kasama ang bagong album at ang [TLOAS].
Plano raw niyang pagsamahin ang dalawang album para sa isang tour sa 2027. Gusto man niyang i-enjoy ang married life, seryoso raw si Taylor sa pagsusulat at recording dahil ayaw niyang letting her Swifties down.
Para raw sa kanya, ang mga fans ay nagsisilbing "extended family." Pero don't expect na magiging kasing-haba ito ng Eras Tour. Pagod na raw si Taylor sa dulo ng huling tour niya at ayaw na raw niyang pagdaanan ulit ang ganoong kapagod na schedule.
Grabe talaga ang work ethic nito, 'no? Imagine, bagong kasal pero may 2027 tour na agad na plano. Sana all ganyan kaproduktibo!
