AiAi delas Alas, lumaban sa HYROX solo race sa Rome

Hindi basta-basta ang pinasok na challenge ni AiAi delas Alas dahil talagang sinubok nito ang kanyang physical at mental strength. Sa kanyang Instagram, inamin ng actress at comedian na muntik na siyang sumuko dahil sa tindi ng cramps sa magkabilang binti, mula taas hanggang baba.
Kahit na sobrang sakit at nasusuka na raw siya, pinaalalahanan niya ang sarili kung bakit niya ito sinimulan. Inabot siya ng halos tatlong oras bago nakarating sa finish line, pero para sa kanya, hindi naman tungkol sa bilis ang laban na ito kundi sa courage, resilience, at lakas ng loob na ituloy ang laban kahit sinasabi na ng katawan niya na huminto na.
Almost 62, still fighting, still dreaming, and still proving that I can, saad ni AiAi tungkol sa kanyang achievement. Para sa kanya, napatunayan niya na age is just a number basta ayaw sumuko ng puso.
Nagpasalamat din ang comedian sa mga taong sumuporta sa kanyang HYROX journey, kabilang ang kanyang mga coaches na sina @kennlee15 at @jonathancabias. Nabanggit pa niya na kahit isang simulation lang ang nagawa nila at kahit namalengke at nag-grocery pa siya, inilaban pa rin niya hanggang sa maging finisher. Nagpasalamat din siya sa Lord, kay Mama Mary, at sa HYROX Rome para sa suporta at respeto na natanggap niya habang nasa event.
Kahit talagang bugbog ang katawan sa hirap ng race, happy pa rin si AiAi na naabot niya ang personal challenge na itinakda niya para sa sarili. Ibang klase ang grit, 'no? Kayo, kailan niyo huling chinallenge ang sarili niyo?
