Eduard Bañez, mula showbiz papuntang Beverly Hills

Ibang landas na ang tinatahak ni Eduard Bañez ngayon kumpara sa panahon niya sa Philippine entertainment. Pagkatapos maging bahagi ng Star Magic Batch 15, mag-host sa MTV Asia, at magtrabaho sa NET25 at TV5, lumipat siya sa United States.
Sa ngayon, isa na siyang health and physical education teacher sa Ralph Waldo Emerson Middle School sa Beverly Hills. Hindi rin siya tumitigil sa pag-explore ng digital media dahil co-founder siya ng Spluk.PH, isang platform na nagkokonekta ng mga international stories sa mga Pinoy audience.
Sabi ni Bañez, hindi naging madali ang pagsisimula muli sa Amerika, lalo na ang pag-adjust sa kultura. Pero sa paglipas ng panahon, natutunan na niyang i-navigate ang buhay sa labas ng entertainment industry.
Dahil sa experience niya abroad, naging mas mindful siya sa financial responsibility. Ayon sa kanya, The ‘bahala na’ mindset is the most common in everyone, kaya naman hinihikayat niya ang mga Pinoy na maghanda para sa mga uncertainties ng buhay imbes na iasa lang ang lahat sa tadhana. Aminado siya na mahirap mag-ipon para sa mga may limited income, pero naniniwala siyang mas malaki ang security at freedom kapag handa ang finances.
Kahit nasa abroad, proud pa rin siya sa pagiging Pinoy, partikular na sa perseverance at pagiging madiskarte. Inamin din niya sa isang interview na miss niya ang warmth ng mga Pinoy, ang energy ng Maynila, at siyempre, ang pagkaing Pinoy na para sa kanya ay irreplaceable.
Pagdating naman sa career, wala siyang immediate plans na bumalik sa harap ng camera, pero open siya sa entertainment via content creation at production. Gusto niyang gamitin ang skills niya sa broadcasting at education para mag-share ng kaalaman.
Sa labas ng pagiging Nickelodeon personality, isinusulong ni Bañez ang freedom, independence, at edukasyon. Sabi niya, I advocate the freedom and independence for everyone and [being] free from slavery. Binigyang-diin din niya na dapat ay mabigyan ang mga bata ng sapat na edukasyon at practical knowledge para sa pang-araw-araw na buhay. Let's be honest, ibang level ng character development ang mag-shift from showbiz to teaching in Beverly Hills, 'di ba?
