Heart Evangelista, cover star na ng Yris Magazine!

Hindi na talaga tayo magugulat pero a-awww talaga tayo dahil cover star na naman si Heart Evangelista para sa French digital magazine na Yris Magazine. Sa mga photos na shinare ng lifestyle at fashion magazine sa Instagram, kitang-kita ang high-fashion energy ni Heart sa shoot nila na ginanap sa The Peninsula Paris.
Siyempre, hindi mawawala ang mga luxury looks. Sa photoshoot, suot ni Heart ang mga outfits mula sa Sanober Paris, Jérôme Blin, Jamin, at Juozas Couture Paris. Sabi pa sa caption ng magazine, si Heart daw ay moves through different fashion registers with the same unmistakable presence habang nasa The Peninsula Paris.
Grabe ang pagka-busy ni Heart sa fashion scene lately. Ngayong buwan, nag-grace siya ng Paris Fashion Week. Bago 'yan, pumunta rin siya sa Milan Fashion Week nitong September kung saan nakipag-meet siya kay Yunho ng ATEEZ. At kung akala niyo doon lang, naging top celebrity voice din siya sa New York Fashion Week.
Hindi rin ito ang unang beses na nag-cover si Heart para sa isang international magazine. Noong August, naging cover star na rin siya ng Harper Bazaar Singapore. Talagang worldwide na ang pag-slay natin, 'di ba?
Sino na kaya ang susunod na international magazine na mag-aagawan sa kanya?
