Gwyneth Paltrow, nag-tortang talong na rin!

Heto na naman si Gwyneth Paltrow at pinapakitang gilas sa pagluluto ng pagkaing Pinoy. Sa isang reel sa Instagram, ibinahagi ng Hollywood actress ang paggawa niya ng Tortang Talong, pero nilagyan niya ito ng sariling twist: tinop-up niya ang dish ng garlicky turkey crumbles.
Kahit may dagdag na ingredients, hindi nawala ang traditional vibe dahil inihaw muna niya ang talong nang direkta sa apoy ng stove bago ito isawsaw sa binating itlog at iprito. Para naman mas maging authentic, gumawa rin si Gwyneth ng sarili niyang banana ketchup from scratch para magsilbing dipping sauce.
Tortang Talong with garlicky turkey crumbles and banana ketchup, caption pa niya, kasama ang pagkilala rito bilang A Filipino breakfast classic.
Hindi naman nagpahuli ang mga Pinoy celebrities sa pag-react. Sa comment section, nagpakita ng approval sina Lotlot De Leon, Isabelle Daza, Neri Naig, at Erwan Heussaff. Thank you for not calling it Eggplant Omelette, komento ni Erwan.
Hindi ito ang unang beses na sumubok si Gwyneth ng pagkaing Pinoy, dahil noong April 2025, nagluto na rin siya ng Pork Tocino para sa breakfast.
Sino kaya ang susunod na Hollywood star na mag-aanunsyo ng paborito nilang ulam?
