Boy Abunda, pinayuhan si Kris Aquino na idemanda ang hosts ng ‘Machong Chismisan’

Pinayuhan ni Boy Abunda si Kris Aquino na dalhin na sa korte ang mga hosts ng podcast na “Machong Chismisan” matapos ang mga insensitive na banat nila kay Josh Aquino.
Sa isang episode ng nasabing podcast, tinawag ng host na si Tito P si Josh na “walang kuwenta,” habang maririnig naman ang pagtawa ng iba pang hosts. Para kay Boy Abunda, malupit ang mga pahayag na ito.
Sabi ni Boy, kahit hindi pa sila nagkakausap ni Kris tungkol dito, ang payo niya kung tatanungin siya ay, I would tell her to go to court. Sue them.
Hindi lang basta payo ang binigay ni Boy dahil binanggit din niya ang mga batas na nagpoprotekta sa mga persons with disabilities laban sa panunukso, kung saan may kaukulang parusa na pagkakulong at multa.
Binati rin niya ang mga hosts ng podcast dahil sa “pagkuha ng atensyon ng lahat.” Para sa kanya, maganda na rin itong pagkakataon para pag-usapan ng publiko ang kontrobersya at mapataas ang awareness tungkol sa isyu.
Sa huli, hindi naiwasan ni Boy na mag-message ng pagmamahal para kay Josh. Sinabi niyang nakita niyang lumaki si Josh.
