Chicago: The Musical, babalik na sa Manila!

Maghanda na sa jazz at drama dahil babalik ang Tony Award-winning Broadway musical na “Chicago” sa Manila sa March 2027. Inanunsyo ng GMG Productions na gaganapin ang show sa The Theatre at Solaire para muling mapanood ng mga Pinoy ang iconic story, music, at choreography nito.
Sabi pa sa caption, sexy, sharp, and wickedly funny ang show na ito, at ito na raw ang longest-running American musical sa Broadway. Hindi rin biro ang reach nito dahil mahigit 35 million people mula sa 38 countries na ang nakapanood nito sa buong mundo.
Sa ngayon, wala pang nailalabas na details tungkol sa cast at tungkol sa ticket information, kaya stay tuned muna tayo. Pero for the record, anim na Tony Awards na ang napanalunan ng “Chicago” at more than 30 years na itong tumatakbo sa Broadway, kaya certified hit talaga.
Para sa mga hindi pa familiar sa plot, set ito sa Chicago noong 1920s. Iikot ang kwento sa aspiring performer na si Roxie Hart at sa vaudeville star na si Velma Kelly habang pilit nilang inaabot ang fame, crime, at ang gulo ng criminal justice system.
Keri kaya ng budget natin ang tickets o mag-iipon na ba tayo simula ngayon?
