Hindi lang kung ano, kundi kailan: Ang timing ng pagkain ay may effect sa feeling mo

Hindi lang basta kung ano ang pinapasok natin sa katawan ang mahalaga, kundi pati na rin kung kailan natin ito kinakain. May mga pagkain na mukhang walang problema, pero kapag tinira mo nang walang laman ang tiyan o kaya naman ay bago matulog, dito na papasok ang bloating, bigat ng pakiramdam, o kaya naman ay heart burn.
Kahit ang mga simpleng prutas gaya ng saging at dalandan, hanggang sa paborito nating tsokolate at pritong pagkain, ay pwedeng makaapekto sa nararamdaman natin depende sa oras ng pagkain.
Ang mga 'healthy' na baka mali ang timing
Marami sa atin ang sanay na saging ang unang kinakain paggising sa umaga dahil madali itong ihanda. Pero kung saging lang ang kakainin nang mag-isa nang napakaaga at walang ibang laman ang tiyan, pwedeng hindi maging maganda ang effect nito. May mga tao kasing nakakaranas ng bloating o discomfort sa gastrointestinal tract kapag saging ang unang pumasok sa empty stomach. Ang tip dito ay huwag itong alisin sa diet, kundi isabay ito sa yogurt, oatmeal, o nuts para makita kung magbabago ang reaksyon ng katawan.
Pagdating naman sa orange o fresh orange juice, mukha itong perfect na panimula ng araw. Pero para sa mga taong sensitibo ang tiyan, hindi ganoon ka-friendly ang citrus fruits. Kung madalas kang makaranas ng heart burn o acid reflux, ang acidity ng orange ay pwedeng magpalala ng symptoms lalo na kung wala pang laman ang tiyan. Mas okay na kainin ito nang mas huli o kaya ay isabay sa isang regular na meal o snack.
Katulad ng orange, ang grapefruit ay maaari ring magdulot ng discomfort sa mga may acid reflux dahil sa pagiging acidic nito, lalo na kung ito lang ang kakainin nang walang laman ang tiyan. Pwede itong subukan na ilipat sa ibang oras ng araw para malaman kung mababawasan ang discomfort. Importante rin na mag-ingat dito kung may iniinom na gamot dahil ang grapefruit ay may interaction sa ilang uri ng medication.
Pag-iingat sa hapunan at bago matulog
Ang kamatis ay staple sa maraming pagkain, pero ang issue rito ay ang oras at dami. Kung kakain ng maraming kamatis o tomato sauce sa pagitan ng 9:00 PM hanggang 10:00 PM at hihiga agad pagkatapos, pwedeng magkaroon ng heart burn o acid reflux. Mas lumalala pa ito kung ang kamatis ay may kasamang mga matatabang sangkap, keso, o mga pritong pagkain. Ang solusyon ay gawing mas maaga ang dinner.
Para naman sa mga mahilig sa midnight snack na tsokolate, baka hindi ito ang best choice bago matulog kung prone ka sa heart burn. Ang tsokolate ay pwedeng magpalala ng reflux symptoms at may taglay itong caffeine, lalo na ang dark chocolate. Kung nakasanayan ang pagkain ng tsokolate sa pagitan ng 10:00 PM hanggang 11:00 PM at nakakaramdam ng hapdi o bigat pagkatapos, mas mabuting ilipat ang pagkain nito sa mas maagang oras ng araw.
Mga matatapang na sangkap sa gabi
Ang raw onion o hilaw na sibuyas ay pwedeng maging masyadong matapang para sa mga may sensitibong digestive system. Nagdudulot ito ng bloating sa iba at pwedeng magpalala ng acid reflux. Kung ang dinner ay may maraming raw onion at nauuwi ito sa heart burn, subukang bawasan ang dami o kainin ito nang mas maaga. Hindi kailangang iwasan ang mga salad, kailangan lang i-adjust ang timing bago matulog.
Katulad ng sibuyas, ang garlic o bawang ay nakaka-level up ng lasa ng pagkain pero pwedeng magdulot ng discomfort kung sobrang dami at kinain nang sobrang gabi na. Lalo na ang raw garlic na masyadong matapang at pwedeng ikawala ng heart burn o gastrointestinal discomfort sa mga sensitibong tao. Kung pakiramdam mo ay mabigat ang tiyan pagkatapos ng isang 'garlicky' na dinner, dapat suriin ang oras at dami ng pagkain.
Para naman sa mga spice lovers, walang masama sa maanghang basta kaya naman ng tiyan. Pero kung may tendency sa heart burn, ang mga spicy peppers at maanghang na pagkain ay mas nakaka-irita kapag kinain nang gabi na. Ang pagkain ng spicy dish ng 10:00 PM at pagtulog agad pagkatapos ay mas mabigat sa taong may reflux kumpara kung kinain ito ilang oras bago matulog.
Ang pinaka-importante ay walang isang fixed na table o schedule na applicable sa lahat. Hindi pare-pareho ang body clock ng bawat tao, kaya ang pagkaing nagbibigay ng heart burn sa isa ay pwedeng walang effect sa iba. Mas mahalagang obserbahan kung kailan lumalabas ang symptoms at ano ang kinain bago ito nangyari. Halimbawa, kung bloating ang effect ng saging sa empty stomach pero okay naman ito kapag may yogurt, nahanap mo na ang tamang formula para sa sarili mong katawan.
Kaya bago ka mag-order ng midnight snack, tanungin mo muna ang tiyan mo kung game pa ba siya.
